KUNG pag-uusapan ang relasyon ng Pilipinas sa mga kaalyadong bansa, tila magkahiwalay ang landas na tinatahak nina dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ang kanilang mga paninindigan ay parehong nakaangkla sa umiiral na mga patakarang panlabas o foreign policy na waring nababahiran ng kanilang magkaibang pananaw.
Sa isang radio interview, tandisang ipinahiwatig ni FVR na ang ating pakikipag-ugnayan sa mga kaalyadong bansa ay hindi dapat magkaroon ng lamat, hanggat maaari; kabilang dito, halimbawa, ang United States, European Union, China, Russia, at iba pa. Dapat lamang asahan ang pagkakaroon ng bahagyang pag-iiringan, subalit ito ay bahagi lamang ng pagpapahalaga sa kani-kanilang dignidad.
Laging binibigyang-diin ni FVR na ang pagiging malapit ng Pilipinas at United States ay hindi matatawaran. Ang mga Kano ang pinakamalaking trading partner ng mga Pinoy sa mahabang panahon. Katunayan, bilyun-bilyong dolyar na negosyo ng US businessmen ang nasa ating bansa.
Hindi rin maaaring maliitin ang tulong ng US sa larangan ng seguridad, tulad ng isinasaad sa Mutual Defense Agreement. Napatunayan na ito sa maraming pagkakataon, lalo na sa pagpapanatili ng katahimikan sa ating bansa.
Ang ganitong mga pakinabang, tulad ng pahiwatig ni FVR, ay matatamo rin naman natin kung sabagay, sa mabuting pakikipag-ugnayan sa mga kaalyadong bansa. Ibig sabihin, hindi dapat mabulabog, ang ating mabuting pakikipagkaibigan sa nabanggit na mga bansa. Bagkus, lalo nating paigtingin ang gayong relasyon.
Taliwas naman ito sa paninindigan ni Pangulong Duterte na laging nagbibigay-diin sa dignidad at prinsipiyo bilang bahagi ng kanyang pamamalakad sa gobyerno. Ibig sabihin, walang bansa na dapat manghimasok sa kanyang pamamahala, lalo na tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa human rights o karapatang pantao; tulad nga ng sinasabing pakikialam ng US at EU.
Ito marahil ang dahilan kung bakit tandisan niyang tinanggihan... (Celo Lagmay)