LIPA CITY, Batangas – Balik-trabaho na si Lipa City Mayor Meynardo Sabili matapos magpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema sa siyam na buwang suspensiyon na ipinataw ng Office of the Ombudsman laban sa kanya.

Matapos ma-deny sa Court of Appeals (CA), pinaboran nitong Oktubre 5 ng Korte Suprema ang TRO na hiniling ng kampo ni Sabili.

Sa desisyon ng Ombudsman noong Agosto, guilty si Sabili sa conduct prejudicial to the best interest of the service sa halip na sa grave misconduct, dishonesty at grave abuse of authority na inihain ng grupo ni Oscar Camerino noong Marso 2015. (Lyka Manalo)
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente