Patay ang isang ginang at kritikal naman ang kanyang kaibigan makaraang mabundol ng rumaragasang jeep sa Caloocan City, noong Lunes ng gabi.

Dead on the spot si Joebelle Apruebo, 52, ng Amparo Subdivision, Barangay 186 ng nasabing lungsod, sanhi ng matinding pinsala sa katawan at ginagamot naman sa ospital si Mely Serano, 55, matapos masugatan sa ulo.

Ayon sa report, dakong 10:45 ng gabi nangyari ang insidente sa kahabaan ng Quirino Highway, Bankers Village, Barangay 184, Caloocan City.

Tumatawid umano ang dalawang biktima para maghintay ng pampasaherong jeep pauwi sa kanilang bahay at hindi napansin ang rumaragasang jeep na minamaneho ni Randy Ramos, 42, ng Zone 2, Bgy. Graceville, San Jose Del Monte, Bulacan.

Metro

Intramuros, mapupuno ng pagtatanghal buong taon—NCCA

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon si Apruebo at nabagok ang ulo sa semento.

Nahaharap sa mga kasong reckless imprudence in resulting to homicide at serious physical injury si Ramos.

(Orly L. Barcala)