direk-jason-paul-copy-copy

KUNG achievements ang pagbabasehan, hindi na maituturing na baguhang filmmaker si Direk Jason Paul Laxamana.

Siya ang nasa likod ng ilang sikat at award-winning na indie films gaya ng Babagwa, Astro Mayabang, Magkakabaung, at unang nakasubok na magdirek ng mainstream sa Regal Entertainment, ang Love is Blind na pinagbidahan nina Derek Ramsay, Solenn Heussaff at Kiray.

Ngayon naman, susubukan ang kanyang husay sa The Third Party na first directorial job niya sa Star Cinema at pinagbibidahan ng mga sikat na Kapamilya stars na sina Angel Locsin, Sam Milby at Zanjoe Marudo.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Paano napili si Direk Jason Paul ng Star Cinema para pamahalaan ang ganito kalaking project?

“I think na-notice nila ‘yung Love is Blind, ‘yung isang pelikula ko before this. In-offer sa akin ito and siguro nakita since sa independent films medyo alternative ‘yung atake ko and ‘yung topic natin medyo alternative din, hindi usually mainstream, medyo merong edginess kasi may LGBT angle, kaya siguro nila ako tinap for this,” kuwento ni Direk JP.

Gagampanan ni Angel Locsin ang isang babae na muling nakipagkita sa kanyang ex-boyfriend na Sam Milby na may karelasyon nang iba, kapwa lalaki na ginagampanan naman ni Zanjoe Marudo.

Bagong working experience ito sa kanya.

“Siyempre nai-starstruck pa rin ako sa mga artista ko until now. Growing up, nakikita ko sila sa TV. Starstruck ako pero I made it clear to myself that as their director, I have to step up para sundin nila ako. So good thing na hindi naman nila ako binu-bully. I can feel their trust naman,” napapangiting sabi ng mahusay na direktor.

Mas gusto ni Direk John Paul na mai-market ang kanyang Angel-Sam-Zanjoe film as a LGBT movie.

“I don’t want it to be a typical kabit movie kaya light ‘yung pinili naming treatment. And then sa LGBT angle naman, ayokong mag-call attention sa pagiging LGBT niya, mas tungkol siya sa relationship nilang tatlo, as friends, as mag-ex. ‘Yun ‘yung focus niya, eh. ‘Tapos light lang talaga ‘yung gusto namin na atake para entertaining pa rin siya,” paliwanag ni Direk Jason Paul.

Hindi siya nahirapan sa unang pagtatrabaho sa Star Cinema.

“I think ‘yung storytelling itself universal naman ‘yan. It’s just that for mainstream and a company like Star Cinema, I had to align my goals with the goals of the company, so, of course, nag-adjust ako. Siguro unlike other independent filmmakers na nag-crossover sa mainstream, hindi naman ako na-disillusion. Kumbaga I was enjoying the process. Na-enjoy ko ‘yung learning process sa project naming ito.

“Ito kasi ‘yung first film ko na hindi ako ‘yung nagsulat, so in-enjoy ko lang din ‘yung process na mag-interpret ng script na sinulat ng iba, and so far, so good,” aniya.

Hindi rin siya nahirapang mag-adjust sa kanyang mga artista.

“Ako kasi, more of telling my actors what I really, really want and what I think the audience will react to, what they should feel. So as actors, I’m sure alam na nila ‘yun. So dini-discuss ko lang talaga nang very specific ‘yung instructions ko. It all boils down sa audience perception ko, kung magugustuhan ito ng nakararaming tao, ‘yun ‘yung pinaka-highest goal ko sa mga pelikula ko, indie man o mainstream,” pagtatapos ni Direk JP Laxamana.

Opening day ngayon ng The Third Party na hinuhulaang panibago na namang box office hit ng Star Cinema. (Ador Saluta)