ITOGON, Benguet - Masusing iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang posibilidad na inside job ang panghoholdap ng apat na lalaki sa isang gold-buying station sa Barangay Virac sa Itogon, Benguet, nitong Lunes ng madaling araw.

Natangay ng mga suspek ang P159,560 cash at 154.5 gramo ng gold dust na nagkakahalaga ng P231,610, matapos nilang sirain ang cashier table ng opisina, na bahay din ng may-ari ng establisimyento na si Florence Dopyao, 36 anyos.

Sa imbestigasyon, dakong 3:00 ng umaga at himbing ang mga kasambahay ni Dopyao na sina Nollie Timanang Hoggang, 20; Jossana Linglingon Ambojnon, 23; Marilou Nadiahan Remiendo, 36; at Mary Jane Hoggang, 35, nang pasukin ng mga suspek ang silid ni Nollie para igapos ito at takpan ng packaging tape ang bibig. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder