emma-copy

NEW YORK (Thomson Reuters Foundation) – Kinondena ng British actress na si Emma Watson ang child marriage sa kanyang pagbisita sa Malawi nitong Lunes. Nanawagan siya sa mga awtoridad sa buong Africa na wakasan ang kaugaliang ito na naglalagay sa panganib sa buhay ng mga bata at hinahadlangan ang kabataang babae na magkaroon ng edukasyon at magandang kinabukasan.

Bumisita si Emma, 26, goodwill ambassador ng UN Women, sa southeastern African nation isang araw bago ginanap ang International Day of the Girl Child.

Noong 2015, ipinasa ng Malawi ang batas na nagtataas sa minimum age of marriage sa 18 katuwang ang pagsisikap ng UN Women na mahikayat ang traditional chiefs na baguhin ang nakaugalian.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Meeting with young girls, who like many in their country, are struggling with poverty and were pressured into early marriage... made me realize just how important it is for women to be able to make their own choices,” sabi ni Emma sa isang pahayag.

“It’s so encouraging to see how such a harmful practice can be stopped when communities work together,” dagdag ng aktres, na sumikat bilang si Hermione Granger sa film series na Harry Potter.

Ayon sa tala ang U.N., one-third ng mga batang babae sa developing countries, hindi kabilang ang China, ay ipinapakasal bago sumapit ang edad na 18, at napagkakaitan ng kanilang pagkabata at karapatang makapasok sa eskuwelahan.

Kahit na ginawa nang illegal ng Malawi ang child marriage, nababahala ang campaigners na palihim pa rin itong nangyayari dahil nakaugalian na.

Nakipagpulong si Emma sa traditional leaders na nagsusulong na mapawalang-bisa ang child marriages sa kanilang mga komunidad.

Sa buong mundo, 15 milyong musmos na babae ang ikinakasal kada taon, ayon sa UK-based campaign group na Girls Not Brides.