Desidido pa rin ang Department of Tourism (DoT) na ituloy ang pagdaraos ng Miss Universe pageant sa bansa sa susunod na taon, sa kabila ng mga petisyong ipinadala sa Miss Universe organization na humihiling na irekonsidera ang alok nitong gawin sa Pilipinas ang susunod na beauty pageant.
Ayon sa mga petitioner, ang pagsasagawa ng Miss Universe pageant sa Pilipinas ay maituturing na isang reward sa anila’y “objectionable, scandalous, and demeaning sexist attitude” ng lider ng bansa na si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kababaihan.
Gayunman, sa isang pahayag ay iginiit ng DoT na marami ang sumusuporta sa pagdaraos ng patimpalak sa bansa.
Una nang napaulat na nagdadalawang isip ang pageant organizers na gawin sa bansa ang 2017 Miss U.
Sinabi naman ng DoT na wala silang natatanggap na abiso hinggil dito. (Mary Ann Santiago)