sace-copy

Habang isinusulat ang balitang ito ay nag-aagaw-buhay ang isang aktor at dating teen idol sa isang ospital sa Pasig City, habang dead on arrival naman ang kanyang kaibigan matapos silang pagbabarilin ng riding-in-tandem, nitong Lunes ng gabi.

Kasalukuyang inoobserbahan sa ospital si John Wayne Sace, 27, star magic talent ng ABS-CBN, dahil sa tinamong tama ng bala sa beywang, habang hindi na umabot pa sa ospital ang buhay ng kanyang kaibigan na si Erik Sabino mas kilala bilang ‘Erik Mata’.

Ayon sa mga pulis, sina Sace at Sabino, kapwa residente ng Barangay Sagad sa Pasig City, ay nakatayo sa isang tabi sa Licsi Street sa Barangay Caniogan, dakong 11:10 ng gabi nitong Lunes, nang sumulpot ang mga suspek at sila’y pinaputukan.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Sinabi ni Police Senior Insp. Robert Garcia, chief ng Investigation Section ng Pasig City Police, hinihintay umano nina Sace at Sabino ang mga “buyer” ng ilegal na droga sa lugar ng pinangyarihan.

“Ang sabi roon, naghihintay ng i-score (buyer). Kilala ‘yang tulak ng shabu,” pahayag ni Garcia sa panayam at idinagdag na nagsimula ang aktor sa paggamit ilegal na droga ngunit hindi nagtagal ay nakilala sa pagtutulak ng droga.

“Noon ‘yan, user lang. Alam mo ang mga user natin nagiging pusher... yung nai-score nila, binebenta nila,” dagdag ni Garcia.

Base sa police report, kabilang sina Sace at Sabino sa drug watch list ng Barangay Sagad.

Taong 2015, umamin si Sace na nakikipaglaban siya sa ilegal na droga.

Matatandaang bumida si Sace sa pelikulang ‘Pintakasi’ noong 2011 at ‘Matakot ka sa Karma’ noong 2007. Napanood din siya sa mga serye ng ‘Maalaala Mo Kaya’.

Huli siyang napanood noong nakaraang taon bilang dance competitor sa show ng TV5 na ‘Move It’.