Muling binigyang-diin ng pamahalaan ng Pilipinas ang mataimtim nitong pangako at pakikiisa sa pandaigdigang komunidad sa pagtugon sa kapalaran ng mga refugee sa buong mundo.

Ito ang tiniyak ni Philippine Permanent Representative to the United Nations and Other International Organizations Ambassador Cecilia B. Rebong sa harap ng mga panawagan sa mga bansa na tuparin ang kanilang moral obligation upang maibsan ang napakalaking krisis ng refugees, partikular na ang sitwasyon sa Syria, kung saan 4.8 milyong katao ang lumikas sa digmaan.

Ang gulo sa Syria ay nagbunga ng migrant crisis sa Middle East at Europe na naging laman ng mga balita sa nakalipas na 18 buwan. Dumagdag sa problema ang South Sudan na nitong lingo ay napabilang sa hanay ng Syria, Afghanistan, at Somalia -- mga bansa na mahigit 1 milyon ng mamamayan ay nabubuhay bilang refugees dayuhang lupain.

Sa pag-aaral kamakailan ng UN’s refugee agency tinatayang 65.3 milyong katao ang umalis sa kanilang mga tirahan dahil sa giyera o pagpapahirap noong 2015. Tumaas ito ng limang milyon mula sa nakalipas na taon.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa kanyang pagtalumpati sa 67th Session of the Executive Committee of the UN High Commissioner for Refugees’ Program na ginanap kamakailan sa Palais des Nations sa Geneva, Switzerland, sinabi ni Ambassador Rebong na patuloy na nakikihati ang Pilipinas sa paghahanap ng mga solusyon para matugunan ang ugat ng problema.

“For example, we continue to engage in the follow-up mechanism of the Nansen Initiative – the Platform on Disaster Displacement, where we join other Member States in working towards enhanced cooperation to improve the protection of disaster displaced persons,” sabi ni Rebong, kasalukuyang Vice-Chairperson, kumakatawan sa Asia-Pacific and Middle East Group, ng UNHCR Executive Committee Bureau.

“Working with the United States, International Organization for Migration and other partners, we have developed the Guidelines on Migrants in Countries in Crisis (MICIC) to address longer-term consequences of migrants caught in countries experiencing conflicts or natural disasters,” dagdag niya.

Patuloy ding sinusuportahan ng Pilipinas ang Emergency Transit Mechanism (ETM). (Roy C. Mabasa)