Pagbebenta ng droga at pakikipagsabwatan sa pagbebenta ng droga ang kasong isinampa sa Department of Justice (DoJ) ng anti-crime watchdog laban kay Senator Leila de Lima, sa self-confessed drug trader na si Jaybee Sebastian at sa anim na iba pa.

Kahapon, dumulog sa DoJ ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), sa pangunguna ni Dante Jimenez, upang kasuhan sina De Lima, Sebastian, dating Justice Undersecretary Francisco Baraan III, dating Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Jesus Bucayu, dating aide ni De Lima na si Joenel Sanchez, at dating driver nitong si Ronnie Dayan. Damay din sa kaso ang pamangkin ni De Lima na si Jose Adrian Dera, at umano’y bagman ni Bucayu na si Wilfredo Ely.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang ikinaso laban sa walo, partikular ang pagbebenta at pakikipagsabwatan sa pagbebenta ng droga.

Sinabi ni Jimenez na may sapat umanong basehan ang pagsasampa ng kaso, at hango ito sa testimonya ng convicted felons na tumestigo sa House Committee on Justice na nag-iimbestiga sa paglaganap ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP).

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sinabi ni Jimenez na hindi na nila kailangan pang hintayin na tapusin ng DoJ ang imbestigasyon nito.

“Let the DoJ complete this investigation because kami in VACC will not wait,” ani Jimenez.

“Pero kumpiyansa po kami na makukumpleto po nila ito,” dagdag pa nito. (JEFFREY G. DAMICOG)