Isinusulong ni Senator JV Ejercito ang imbestigasyon sa progreso ng pabahay para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Ayon kay Ejercito, dapat mabatid kung epektibo ang housing program para sa mga biktima ng kalamidad.
Aniya, tatlong taon na ang nakakalipas pero may mga biktima pa rin na naninirahan sa bunkhouse.
Sa ulat ng National Housing Authority (NHA), umaabot lamang sa 12.66 % ang daloy ng paggawa ng mga pabahay.
Aniya, sa 205,128 target na pabahay sa Hunyo ngayong taon, 25,967 lamang ang nagawa. (Leonel M. Abasola)