SINABI ni Tom Hanks na ang tunay na nakahikayat sa kanya para muling gampanan ang papel ng kathang-isip na symbologist na si Robert Langdon sa film adaptation ng Inferno ni Dan Brown ay ang pagkakataong maging “smartest guy in the room.”

“You give me the right amount of verbiage and just enough time to do the right amount of research, and I can convince you that I may be the smartest guy in the room,” natatawang sabi ng actor sa reporters noong Huwebes.

“The gift that Dan Brown gave me as an actor is to play a guy who’s always curious, who’s always opinionated and who’s always searching for an answer.”

Kasama ni Tom ang cast members na sina Felicity Jones at Irrfan Khan, director na si Ron Howard at ang author na si Brown sa news conference para sa pelikula sa Palazzo Vecchio ng Florence.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Una nang isinalin sa pelikula nina Tom at Ron ang Da Vinci Code at Angels and Demons ni Brown na parehong pumatok sa takilya.

Nakatakdang ipalabas ang Inferno ng Sony Pictures sa mga sinehan sa Oktubre 28. Sinusundan sa bagong pelikula si Langdon na nagising na may amnesia sa Florence at kailangang maunawaan ang mga clue para mapigilan ang salot na pakakawalan ng isang bilyonaryo na nais lutasin ang suliranin sa overpopulation.

Sinabi ni Tom na ang atake ng pelikula sa overpopulation ay nagpapahiwatig na “we are creating our own version of Dante’s inferno here in the real world.”

Idinagdag niya na may mga lugar sa mundo na “the environment is hellacious and the people are held in slavery and there is any numbers of degrees of misery that are in fact created by ourselves one way or another.”

Karamihan ng mga eksena sa pelikula ay kinunan sa mga makasaysayang gusali at plaza sa Florence, habang ginagalugad ni Langdon ang mayamang kasaysayan ng lungsod, nilulutas ang mga palaisipan na may kaugnayan sa pamosong 14th century saga ng Florentine poet na si Dante Alighieri – ang Divine Comedy, tungkol sa paglalakbay ng isang tao sa impiyerno.