SAN LEONARDO, Nueva Ecija - Pinaghahanap na ngayon ng San Leonardo Police ang isang 50-anyos na lalaki na nakabaril sa sarili niyang pitong taong gulang na apo matapos niyang ratratin ang bahay ng kanyang anak at manugang sa Purok 7 sa Barangay Mambangnan, nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa San Leonardo Police, tumakas sakay sa kanyang Kawasaki Bajaj motorcycle ang suspek na si Angelito Paras y Fernando, 50, matapos ang pamamaril.

Sa imbestigasyon ni PO1 Jonnel Sabado, dakong 6:30 ng gabi nang sa hindi malamang dahilan ay pinagbabaril ni Paras ang bahay ng kanyang anak, at aksidenteng tinamaan ng dalawang ligaw na bala ang apo niyang si Andrei Cauzon y Paras, Grade 1 pupil, na noon ay naglalaro sa labas ng bahay.

Kritikal ang bata dahil sa tama ng mga bala sa kamay at dibdib. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Tatay na patungo sanang Negros para sa anak na may sakit, nawawala!