Makikinig ang Palasyo kay dating Pangulong Fidel V. Ramos na tumatayong elder statesman ng bansa, na pumuna sa mga panuntunan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inilarawan ng dating Pangulo na “huge disappointment and letdown” ang unang 100 days sa Malacañang ni Duterte.
“Former President Ramos is a senior statesman and he’s acting in the sense of, parang in a sense like a father. He’s not referring to the actual actions. He’s referring to the public relations, foreign relations that tend to be affected by the President’s language,” ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella.
Sinabi ni Abella na titingnan ng administrasyon ang ‘concerns’ ng dating Pangulo sa foreign relations.
Sa column ni Ramos sa Manila Bulletin, sinabi nito na ang Team Philippines ay natatalo, at dahil ito sa sobrang pagtutok sa giyera sa droga.
Dahil dito, nakakaligtaan na umano ang isyu sa kahirapan, kabuhayan, foreign investments at trabaho.
Sa kabila nito, may panahon pa naman umano para itama ng administrasyon ang kakulangan sa national leadership at bawiin ang mahusay na reputasyon ng bansa. (Genalyn D. Kabiling)