Hindi pa rin maiuwi sa Pilipinas ang mga labi ng isang overseas Filipino worker na nagpakamatay sa loob ng pasilidad ng kumpanya na kanyang pinagtatrabahuan sa Riyadh, Saudi Arabia noong Pebrero, iniulat ng isang Filipino migrant rights watchdog.

Ayon sa United Overseas Filipinos Worldwide (U-OFW), humingi na ng tulong ang mga kamag-anak ni Joselito Ladi Lucero, tubong Ilocos Sur, para sa agarang pagpapauwi sa mga bangkay nito upang mabigyan ng maayos na libing.

Naantala ang pag-uwi sa mga labi ni Lucero dahil wala pang inilabas na death certificate at exit visa para dito.

Batay sa mga ulat, nagpakamatay si Lucero nitong Pebrero 29 sa pamamagitan ng pagbigti sa loob ng fabrication facility ng Oger Metal Works. Magkakasalungat ang mga ulat sa rason ng kanyang pagpakamatay.

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

Ang isang istorya ay nagdusa ang OFW dahil sa ilang buwang pagkaantala ng kanyang sahod hanggang sa pumaso ang kanyang Iqama o residence permit. Ang isa pang bersyon ay nagkaroon ng extreme anxiety attack si Lucero matapos magpasuri sa doktor. (Roy C. Mabasa)