Naisilid sa baol ang record ni Triggerman Allan Caidic. Bigyan daan ang pamamayagpag ni ‘Mighty Mouse’ Jimmy Alapag.

Tuluyang nabaon sa limot ang dating all-time PBA record sa three-point ni Caidic nang maisalpak ni Alapag ang ika-1,243 three-pointer may 4:49 minuto ang nalalabi sa second period ng Game 2 sa pagitan ng Meralco at Ginebra nitong Linggo sa Araneta Coliseum.

Hawak ng dating National player at PBA legend ang record na 1,242 bago magretiro ilang taon na ang nakalilipas.

Tinanggap ni Alapag, kasama ng maybahay na si actress LJ Moreno at dalawang anak ang bola na sagisag ng kanyang tagumpay sa 3-point area.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

“Thank You ALL for the kind words regarding the 3pt record,” pahayag ni Alapag sa kanyang Twitter account@JAlapag3 matapos lagpasan ang 17-taong record ni Caidic.

“Honored to be w/ the legendary and GOAT Allan Caidic. @trggrmn #Respect