ISA sa mga component ng Ynares Eco System (YES) to Green program na flagship project ni Rizal Gov. Rebecca Nini Ynares at inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ay ang recycling o waste management.

Ang iba pang component ng YES Program ay cleaning o paglilinis, greening o pagtatanim ng mga puno, environmental protection at tourism. Nakapagtayo na ng Material Recovery Facility (MRF). Nagagamit na at napakikinabangan. Ang mga mamamayan ay nagkaroon na ng disiplina at kaalaman sa recycling.

Hindi lamang sa mga barangay sa mga bayan sa Rizal nagkaroon ng mga MRF, kundi maging sa mga paaralan. Mababanggit na halimbawa ang mga paaralan sa lungsod ng Antipolo sapagkat sunud-sunod na ang pagtatayo ng MRF.

Ang pagtatayo ng MRF ay bunga ng kampanya ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng YES Program ng Pamahalaang Panlalawigan. Siyam na paaralan na sa Antipolo City ang nagbukas ng kanilang sariling MRF matapos mabigyan ng seminar ng City Environment and Waste Management Office (CEWMO).

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“Binabati po natin ang ating mga paaralan na nakiisa sa adbokasiya ng pamahalaang lungsod na mabawasan ang basura natin sa pamamagitan ng pagtatayo ng MRF. Napakahalaga po ng partisipasyon ng bawat isa upang magtagumpay po tayo rito. Malaking tulong po ito upang mabawasan ang mga kalat natin sa paligid at magagamit ito sa kapaki-pakinabang na paraan. Inaasahan ko po na ang lahat ng paaralan dito sa lungsod, pumpubliko at pribado ay magkakaroon ng kani-kanilang MRF.” pahayag ni Mayor Jun Ynares.

Pinuri ni Mayor Ynares ang mga paaralang nakapagtayo ng MRF, kabilang na rito ang San Antonio Village Elementary School, Kaysakat National High School, Inuman Elementary School, Teofila Z. Rovero Elementary School , at The Pleasant Mount School. Ngayong Oktubre ay nakatakda na ring ilunsad ng iba pang paaralan ang sarili nilang MRF.

Kaugnay ng pagtatayo ng MRF, hinikayat na rin ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, na magkaroon ng MRF ang mga subdivision at paaralan sa lungsod bilang bahagi ng kampanya ... (Clemen Bautista)