MEXICO CITY, Mexico (AP) – Juan Marquez-Manny Pacquiao Part V. Posible?

Nagkakahugis ang posibilidad na muling magharap sa ibabaw ng lona ang mahigpit na magkaribal na sina Mexican legend Juan Manuel Marquez at Pinoy boxing icon Manny Pacquiao matapos ang pagbabalik ensayo ng una matapos ang klasiko at makasaysayang TKO win kontra sa People’s champion may dalawang taon na ang nakalilipas.

Balik sa training at conditioning session ang 43-anyos na si Marquez sa pangangasiwa ni trainer Memo Heredia para sa posibleng ‘farewell fight’ sa 2017.

Walang pang pahayag ang magkabilang kampo, ngunit inaasahang blockbuster ang muling paghaharap ng dalawang itinuturing na pound-for-pound fighter sa kanilang henerasyon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagkaharap ang dalawa sa hindi malilimot na laban sa apat na pagkakataon, kabilang ang hindi malilimot na TKO win ni Marquez sa ikaanim na round.

Hindi na lumaban pang muli ang Mexican matapos ang huling laban kay Mike Alvarado noong 2014, ngunit nagpatuloy si Pacman sa kanyang career at naitala ang makasaysayang US$200 milyon fight kontra Floyd Mayweather noong 2015.

“We have been training with Memo in the gym, more on fitness than anything else, the body is responding well, but I will not make the decision to return until my body tells me how well I feel,” pahayag ni Marquez.

Sa panayam ng boxing show ‘Golpe a Golpe’ sa ESPN Deportes, sinabi ni Marquez na nais niyang lumaban sa huling pagkakataon.

“I want to do everything I can [to get ready]. I don’t want to retire and then return. If the body responds well, we are going to make a comeback, I have the desire to do a retirement fight,” aniya.

Kung sakali, maitatala ni Marquez ang ika-64 pro fight.

“I feel good, but let’s see how my body responds when I go to the gym, when I have to train every day, when we do double sessions, six to eight hours of work a day. Right then we’ll decide what comes next, but we want to make that [last] fight,” aniya.