Binugbog at inaresto ng mga tambay ang isang lalaki na nagtangkang pumatay sa isang negosyante dahil sa labis na kalasingan sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong attempted murder at concealing of deadly weapon ang suspek na si Eleazar Sartorio, 22, ng 200 Batimala Aries Street, Valenzuela City, matapos umano niyang tangkaing patayin si Jaymar Bacani, 37, negosyante, ng 3231 Interior 18, Santos Teodoro St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO4 Noel Villamor ng Manila Police District (MPD)- Station 3, dakong 6:05 ng gabi nangyari ang krimen sa harapan ng Chinese Cemetery na matatagpuan sa Rizal Avenue, kanto ng Santos Teodoro St., Sta. Cruz, Maynila.

Naghihintay umano ng pampasaherong jeep patungong Caloocan City ang biktima, kasama ang kanyang pamilya, nang bigla siyang lapitan ng suspek at tinangkang pagsasaksakin.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Nakita ng mga istambay sa lugar ang pangyayari kaya tinulungan nila ang biktima at ginulpi ang suspek saka inaresto at isinuko kay Bgy. Chairman Reynaldo Mandap ng Bgy. 197, Zone 17, District 2.

Si Mandap na ang nag-turn over sa suspek sa Blumentritt Police Community Precinct (PCP). (Mary Ann Santiago)