Tinuldukan ng Ateneo ang matikas na 25-game winning streak ng University of the Philippines matapos maiposte ang 3-2 panalo sa Game 1 nitong Linggo sa UAAP Season 79 women’s badminton Finals.
Senelyuhan ni Trixie Malibiran ang panalo ng Lady Eagles sa impresibong 21-17, 21-9 panalo kontra Bea Bernardo sa ikatlong singles event.
Nakopo ng Ateneo ang ika-apat na sunod na panalo, kabilang ang tatlong sunod sa stepladder semi-final match kontra De La Salle at No. 4 National University.
Target ng Lady Eagles ang ikaapat na kampeonato at kauna-unahan mula noong 2013 kung makakaulit bukas sa Rizal Memorial Badminton Hall.
Liyamado ang Lady Maroons, winalis ang huling dalawang season, matapos madomina ang elimination round.
Nalusutan din ng Ateneo ang twice-to-beat disadvantage sa men’s stepladder semis kontra UP, 3-2.
Ginapi ng Blue Eagles ang Fighting Maroons, 3-1, nitong Sabado para makaharap ang Bulldogs sa best-of-three title series simula bukas.
Nakalusot ang NU via 7-0 sweep.