Nais ni Senator Win Gatchalian na magkaroon ng isang paaralan kung saan magsasanay ang mga mahihirap, ngunit karapat-dapat na mga atleta.
Ayon kay Gatchalian, layunin ng Philippine High School for Sports Act , na linangin, sanayin at gabayan ang mga kabataang atleta at magkaroon ng katuparan ang kanilang mga pangarap na makakuha ng medalya sa mga palakasan.
Nakasaad sa Senate Bill No 1181 ni Gatchalian ang P50 milyong inisyal na pondo para sa paaralan at P5 milyong pondo kada taon sa loob ng sampung taon. (Leonel M. Abasola)