NEWPORT BEACH, Calif. (AP) — Naiskor ni Jay Haas ang birdie sa unang hole ng playoff kontra Bart Bryant nitong Linggo (Lunes sa Manila) para tanghaling ikalawang pinakamatandang player na nagkampeon sa PGA Tour.
Sa edad na 62, nasa likuran si Haas ni Mike Fetchick na naging kampeon noong 1985 Hilton Head Seniors Invitational sa edad na 63 .
Matapos ang opening bogey-free round na 64 at 63 para sa five-stroke lead, ratsada si Haas sa final round para makaabot sa playoff. Na-saved niya ang par sa par-3 17th hole, gayundin ang par-5 18th para sa 1-under 70 kaparehas ni Bryant.
Nakopo ni Haas ang ika-18 titulo sa 50-and-over tour at una mula noong 2014. Nagwagi siya ng siyam na titulo sa PGA Tour at nagsilbing team captain sa US Team na nagwagi sa Presidents Cup sa nakalipas na taon sa South Korea.