Nilinaw kahapon ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur, Malaysia na hindi ito tumatanggap ng aplikasyon o nagpoproseso ng hajj passport.

Ito ay kasunod ng mga ulat na ang mga hajj passport na ginamit ng mga nahuling Indonesian at Malaysian kamakailan ay pinaghihinalaang inisyu ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng konsulado sa Malaysia.

Sa kalatas ng Embahada, nilinaw nito na tanging regular na pasaporte na may limang taong validity ang kanilang pinoproseso. Ang hajj passport ay valid lamang ng isang taon at magagamit lamang para sa nasabing pilgrimage.

Nilinaw din ng Embahada na walang Philippine consulate sa Malaysia, kundi consular section lamang.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“We wish to assure the public that the Embassy exercises due diligence when processing passport applications, which includes requiring proper documentation and undertaking personal appearance and interview in order to ascertain the identity of the applicant and the veracity of his supporting documents,” ayon Philippine Embassy sa Malaysia.

(Bella Gamotea)