ANG Canadian rapper na si Drake ang namayani sa American Music Awards (AMA), sa tinamong 13 nominations at tinalo ang record na naitala ni Michael Jackson mahigit 30 taon na ang nakalipas, ayon sa organizers ng awards noong Lunes.

Ang huling album ni Drake na Views ay 13 linggong nanguna sa U.S. music charts ngayong taon, at ang kanyang single na One Dance ay napiling Billboard’s 2016 song of the summer.

Ang R&B artist na si Rihanna ay nakakuha naman ng pitong nominasyon, kasunod nina Adele at Justin Bieber na may tiglima. Si Beyonce, na noong Agosto ay nag-uwi ng walong tropeo sa MTV Video Music Awards, ay nakakuha lamang ng apat na nominasyon.

Maglalaban-laban sina Drake, Beyonce, Rihanna, Adele, Bieber, Selena Gomez, Ariana Grande, The Weeknd, Carrie Underwood at Twenty One Pilots para sa top prize na artist of the year.

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

Tinalo ng 13 nominations ni Drake ang record na itinala ni Jackson noong 1984 nang tanggapin nito ang 11 American Music Award nods sa kainitan ng tagumpay ng album nitong Thriller.

Ihahayag ang mga nagwagi sa live ceremony at television show sa Nobyembre 20 sa Los Angeles. (Reuters)