Tinutulan ng Provincial Buses Operators Association (PBOA) ang panukalang ordinansa na ibawal ang mga bus terminal sa Quezon City.
Sinabi ni Atty. Alex Versoza, abogado ng Solid North Transit, hindi sagot sa masikip na trapiko ang pagbabawal sa mga bus terminal.
Sa isinagawang public hearing ng Konseho ng Quezon City, sinabi ni Versoza na 20% lamang ang public transit na nasa EDSA habang ang 80% ay mga pribadong sasakyan.
Sa panukala ni Konsehal Ramon Medalla, nais nitong ipatanggal ang provincial bus terminals at garahe ng mga ito sa EDSA.
Ang kasalukuyang mga bus terminal ay maaari umanong gawing opisina na lamang ng mga bus company. (Jun Fabon)