alden-diamond-platinum-awards-copy

BIG day para sa kay Alden Richards ang October 9, Linggo dahil tatlong blessings na naman ang nadagdag sa kanya.

After ng successful concert niya sa London, ang dalawang araw na shooting nila ni Maine Mendoza para sa special participation nila sa Enteng Kabisote 10: The Abangers, wala pa ring kapaguran siyang nag-report sa Sunday Pinasaya at naki-jamming kina Jose Manalo, Wally Bayola, Pekto, at Kristoffer Martin.

After their medley of songs, tinawag ni Jose si Mr. Rene Salta, executive ng GMA Records para i-award kay Alden ang kanyang 9 Platinum Record Award. Nagulat si Alden dahil hindi raw niya alam na muli siyang tatanggap ng isa pang platinum award. Biniro siya nina Jose na baka umiyak na naman siya, hindi na raw. Pero hindi pa nga natatapos ang pagpapasalamat ni Alden sa fans na sumusuporta sa kanya, tanong ni Jose, “Ano, Alden ang susunod na award kapag naka-9x Platinum ka na?” Sagot ni Alden: “Diamond na po.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Sa bahaging ito muling pumasok si Mr. Salta, dala ang Diamond Record award ni Alden para sa kanyang first album sa GMA Records, ang Wish I May. Nangangahulugan na ang naturang album ay bumenta na ng 150,000 copies.

“Speechless po ako, hindi ako prepared na may tatanggapin akong Diamond Record,” sabi ni Alden. “Hindi ko na po alam kung ano ang sasabihin ko.”

Nag-post ng pasasalamat si Alden sa kanyang Instagram account nang araw ding iyon.

“Never in my life have I imagined that I’d record songs ang release albums. This is more than what I asked for, sabi ko nu’n, ‘kahit mag-gold lang, kuntento na ako’. Sometimes faith really does it’s magic for you when you believe. GOD really works in unimaginable ways.

“To everyone who made this possible maraming salamat po sa inyo especially to my supporters, Aldenatics, Alden International, Alden United, Alden Philippines, Simply Alden and ‘ALDUBnation’ and all the chapters here and abroad and all the fan clubs out there and to every single person who supported me, maraming maraming salamat po. I hope this serves as an inspiration to everyone who dreams to venture into music. Don’t be afraid, faith in yourself, in the people who believe in you and faith in the Lord is all you need. Happy Sunday everyone maraming maraming salamat po sa inyo!”

Last Sunday rin ginanap ang album launch ng second album ni Alden sa GMA Records na Say It Again sa Market Market in Bonifacio Global City. Maaga pa lamang, dumating na ang fans ni Alden sa iba’t ibang lugar, kahit ang launch ay 5:00PM pa.

Nakausap namin si Mr. Rene Salta at natanong kung si Alden ba ang pinakamabilis na nagkaroon ng Diamond award among their recording artists?

“Yes, wala pang isang taon, nagka-Diamond award na siya,” sagot ni Mr. Salta. “Nai-release ang Wish I May noong October 17, 2015 at October 9, 2016, tinanggap na niya ang Diamond kasabay ng 9x Platinum award niya. Nag-decide kaming pagsabayin na ang pagbibigay ng award matapos bigyan na ng certification ng PARI ang Diamond.”

Sa formal launch, muling nagpasalamat si Alden sa fans at lalo siyang sumaya nang dumating at sumaksi sa launch niya ang kanyang Lolo Danny, Lola Linda, cousin na si April Penaranda, Daddy Bae at ang youngest sister niyang si Angel.

Kinanta ni Alden ang carrier single na “Rescue Me” na personal palang dasal ng composer na si Agat Obar Morallos na may pinagdaraanang karamdaman ngayon at humihingi siya ng tulong sa Diyos na pawiin ang pains na nararanasan niya matagal na.

Bilang pasasalamat pa rin ni Alden, dala niya ang kanyang Diamond Award at ipinakita sa audience, at muli niyang inawit ang Wish I May na hinding-hindi raw niya makakalimutan na composition din ni Agat. Nagpasalamat din siya sa fans ni Maine Mendoza na dumating at sumuporta sa kanyang album launch, at siyempre sa kanyang Mama Rio na siyang dahilan kung bakit siya nasa showbiz at kay Lord Jesus Christ na siyang nagbigay ng lahat ng blessings na tinatanggap niya ngayon. (NORA CALDERON)