agot-copy-copy

NAGLABAS ng statement ang Malacañang sa inilabas na saloobin ni Agot Isidro tungkol sa sinabi ni President Rodrigo Duterte na mabubuhay ang Pilipinas kahit walang ayuda galing sa European Union (EU) at United States (US). Nagbunsod din ito ng pagtawag ng singer/actress ng “psychopath” sa pangulo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, iniintindi nila ang tulad ni Agot na may karapatang maglabas ng kanyang opinyon. After all, nabubuhay tayo sa isang demokratikong bansa na malayang magbuhos ng saloobin ang kahit na sino.

“While she is entitled to her own opinion, it also reveals the kind of attitude that the President is addressing – dependency on foreign aid. He wants the Filipino people to gain true independence, economically, mentally and socially,” ayon sa pahayag ng Malacañang na lumabas noong October 7.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Sa kabila ng kaliwa’t kanang bashing mula sa supporters ni Digong, hindi pa rin natitinag ang aktres at naglabas pa ng dalawang Facebook posts na patama kay Presidente Duterte mula sa kanyang social account na ginawa na rin niyang public. (Ador Saluta)