Nanatiling imakulada ang marka ng La Salle Archers nang pabagsakin ang Adamson Falcons, 86-79, nitong Linggo sa seniors basketball tournament ng UAAP Season 79 sa MOA Arena.

Pahirapan ang pagtudla ng Archers para sa ika-along sunod na panalo matapos kumikig ang Falcons sa krusyal na sandali.

Tangan ng La Salle ang 81-79 bentahe may 1:26 ang nalalabi sa laro bago naisalpak ni Kib Montalbo ang three-pointer para maselyuhan ang panalo.

Nanguna si Ben Mbala sa naiskor na 18 puntos, 10 rebound at apat na block.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Nag-ambag naman sa La Salle sina rookie Ricci Rivero na kumubra ng 14 puntos, limang rebound, limang assist at dalawang steal at Aljun Melecio na kumana ng 11 puntos.

Hataw si Jerrick Ahanmisi sa Falcons sa natipang 27 puntos.

Lagapak ang Falcons sa 4-4 karta.

“Even ganun ’yung sitwasyson, hindi kami aalis sa sistema namin. Gusto namin lagi ’yung ganung pace. ’Yung mga ganung klaseng laro, gusto namin ipasok ’yung pagiging spontaneous ng mga bata na as much as possible, we allow them to play basketball, make decisions, and go with the flow,” pahayag ni La Salle coach Aldin Ayo.

Patuloy ang pamamayagpag ng La Salle sa kabila ng hindi paglalaro ni JeronTeng sa ikalawang sunod na laro bunsod ng injury.

Iskor:

La Salle (86) — Mbala 18, R. Rivero 14, Melecio 11, Torres 9, Montalbo 8, Tratter 7, Perkins 5, Caracut 4, Baltazar 4, Paraiso 2, Dyke 2, Sargent 2, Go 0.

Adamson (79) — Ahanmisi 27, Sarr 13, Manganti 12, Espeleta 9, Bernardo 6, Manalang 3, Ochea 3, Mustre 3, Ng 3, Paranada 0, Camacho 0, Pasturan 0, Ballon 0, Tungcab 0, Barrera 0, Chua 0.

Quarterscores: 17-19; 44-33; 66-55; 86-79.