SANAA, Yemen (AP) – Libu-libong Yemeni ang nagmartsa sa kabiserang Sanaa nitong Linggo bilang protesta sa airstrike nitong nakalipas na araw ng U.S.-backed, Saudi-led coalition na lumalaban sa mga rebeldeng Shiite Houthi.

May 140 katao ang napatay at 525 ang nasugatan sa pambobomba sa isang lamay noong Sabado.

Sinisikap ng alyansa na mabuwag ang mga rebeldeng kumakalaban sa kinikilalang gobyerno ni President Abed Rabbo Mansour Hadi.

Sa demonstrasyon sa labas ng gusali ng United Nations sa timog ng Sanaa, sinisi ng ilan ang organisasyon na walang ginawa para matapos ang kaguluhan at humiling ng malayang imbestigasyon. Ang iba naman ay nagtaas ng mga armas at nanawagan sa mamamayan na atakehin ang Saudi Arabia.

Internasyonal

26-anyos na champion bodybuilder, patay habang nagwo-workout sa gym!