LAUSANNE, Switzerland (AP) — Bilang pakikiisa sa giyera laban sa droga, ipinahayag ng Olympic leader ang pagsang-ayon sa pagbibigay ng dagdag na kapangyarihan sa World Anti-Doping Agency.

Sinabi ng International Olympic Committee (IOC) nitong Sabado (Linggo sa Manila) na kinatigan nila ang panawagan para pangunahan ng WADA ang laban kontra sa droga, gayundin sa planong magbuo ng hiwalay na independent body na mangangasiwa ng drug-testing sa buong mundo.

Nangibabaw ang suporta sa WADA sa ginanap na summit ng mga world sports leader kung saan napagkasunduan din ang pagkakaisa matapos ang magkakaibang opinyon hingil sa kaparusahang dapat ipataw sa Russia dulot ng isyu ng droga.

Iginiit ng sports leader sa WADA na manguna para isulong ang “more robust, more efficient, more transparent, and more harmonized anti-doping system”

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Nangako rin ang IOC nang suportang pinansiyal sa WADA.

“This is a clear commitment by the entire Olympic movement to an independent and harmonized worldwide fight by a stronger anti-doping agency,” pahayag ni IOC President Thomas Bach.

Kinatigan din sa naturang summit ang mga naunang desisyon na inilabas ng Court of Arbitration for Sport hingil sa kaparusahan nang mga atleta at opisyal na mapapatunayang lumabag sa panuntunan ng Olympic body at WADA.

Itinatag ng IOC at WADA noong 1999 bilang regulatory agency sa doping.

“I’m very happy with it,” sambit ni WADA President Craig Reedie.

“We now have a clear set of principles established by the IOC. We are to be given substantial additional authority and substantial additional powers. I am perfectly happy with that.”