TAIPEI, Taiwan (AP) – Sinabi ng bagong pangulo ng Taiwan noong Lunes na hindi yuyuko ang kanyang bayan sa panggigipit ng Beijing at dapat kilalanin ng China ang kanyang gobyerno at makipag-usap dito.

Nagtalumpati sa National Day, inamin ni President Tsai Ing-wen na hindi naging maganda ang relasyon ng Taiwan at China nitong mga nakalipas na buwan.

“But we will not bow to pressure, and we will of course not revert to the old path of confrontation,’’ aniya sa seremonya sa labas ng Presidential Office Building sa central Taipei na dinaluhan ng 11,000 katao, kabilang na ang mahigit 360 dayuhang bisita.

Ayon kay Tsai, dapat harapin ng China ang “reality” na may sariling gobyerno ang mga Taiwanese at ang demokrasya ng isla. Dapat ding mag-usap ang magkabilang panig “soon as possible.”

Inaangkin ng China na bahagi ng teritoryo nito ang Taiwan, pursigidong mapasailalim sa kontrol nito sa marahan o marahas na paraan kung kinakailangan. Nahalal si Tsai noong Enero.

Internasyonal

DMW: Walang Pinoy na nasawi, nasaktan sa magnitude 7.1 lindol sa Japan