SONORA, Mexico – Nakipagsabayan si Raymond Tabugon, ngunit sadyang mabilis at madiskarte ang karibal na si dating unified WBA/WBO flyweight world champion Juan Francisco “Gallo” Estrada para maitala ang unanimous decision laban sa Pinoy fighter nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa Francisco Leon Garcia Baseball Stadium dito.

Nakuha ni Estrada ang iskor na 100-90 mula sa tatlong hurado para mahila ang karta sa 34-2, kabilang ang 24 KOs, habang bagsak si Tabugon sa 18-6-1, 8 KOs.

Bunsod ng panalo, nabuhay ang panawagan para sa rematch kontra world pound-for-pound number one fighter Roman “Chocolatito” Gonzalez, isa sa dalawang fighter na nagbigay ng kabiguan sa kanya bukod kay dating IBF superflyweight champion Juan Carlos Sanchez, Jr.

Marami ang nagakalang babagsak si Tabugon sa ikatlong round ng laban, subalit nagpakatatag ang Pinoy para maisalba ang posibleng knockout.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Nadugtungan ni Estrada ang lineup ng mga Pinoy na bumagsak sa kamay ng Mexican tulad nina Brian Viloria, Ardin Diale, Rommel Asenjo, Joebert Alvarez, at Richie Mepranum.