LIPA CITY, Batangas - Patay ang isang 33-anyos na babaeng nasa drug watchlist matapos umanong barilin ng hindi nakilalang suspek sa Lipa City, Batangas.

Dead on arrival sa Mary Mediatrix Medical Center si Mary Ann Togonan dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo.

Ayon sa report ng grupo ni SPO1 Oliver Morcilla, dakong 1:47 ng umaga kahapon, pasakay ng kanyang Isuzu Trooper (XRA-226) si Togonan nang barilin siya ng suspek mula sa katabing sasakyan.

Nabatid na isa ang mga biktima sa mga sumuko sa Oplan Tokhang ng pulisya. (Lyka Manalo)

Probinsya

Isang pamilya sa Bukidnon, minasaker umano sa loob ng bahay!