TALUGTOG, Nueva Ecija - Isang 34-anyos na binatang may kapansanan sa pag-iisip ang natagpuang wala nang buhay at hinihinalang nalunod sa Casecnan main canal irrigation sa Purok 4, Barangay Soverana sa bayang ito, nitong Biyernes ng umaga.
Kinilala ng Talugtog Police ang biktimang si Elver Mina y Magallanes, binata, ng Purok I, Bgy. Soverana, na natagpuang nakalutang sa irigasyon.
Sa imbestigasyon ni SPO2 Bernardo Cabute, sa pagitan ng 10:00-11:00 ng umaga ay umalis ng bahay si Mina at hindi na nakabalik. (Light A. Nolasco)