Dalawang kongresista ang naghain ng panukalang batas na naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na ma-reorganisa o bawasan ang mga ahensiya ng gobyerno upang maiwasan ang redundancy o pagkakaulit ng mga posisyon at tungkulin.

Ito ang nilalaman ng House Bill 3781 (Rightsizing the National Government Act of 2016).

Ayon kina House Appropriations Committee Chair at Davao City Congressman Karlo Alexei Nograles at Puwersa ng Bayaning Atleta Partylist Rep. Jericho Jonas Nograles, makatutulong din ito upang matanggal ang mga non-performing personnel o tamad at inutil na mga kawani. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

BINI, nagpasalamat sa pagkilala ng Kamara; pic kasama sina HS Bojie, Rep. Sandro usap-usapan