Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bahagi ng Occidental Mindoro, nitong Sabado.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na dakong 3:32 ng hapon nitong Sabado nang maitala ang sentro ng pagyanig sa 28 kilometro ng hilagang Paluan, Occidental Mindoro.

Naramdaman ang intensity 2 sa Paluan at Lubang sa Occidental Mindoro habang intensity 1 naman sa Tagaytay City.

(Rommel P. Tabbad)

Probinsya

2, patay sa 'hit-and-run' ng rumagasang van sa Tayabas, Quezon