Hiniya ng defending champion National University ang University of Santo Tomas, 103-49, para walisin ang first round elimination at dugtungan ang winning streak sa 39 nitong Sabado sa UAAP Season79 women’s basketball tournament sa MOA Arena.

Hataw si Perlas Pilipinas mainstay at reigning MVP Afril Bernardino sa naitarak na triple-double performance -- 22 puntos at 11 steal, 10 assist – bukod sa pitong rebound para sandigan ang Lady Bulldogs na manatiling walang talo sa walong laro.

Nag-ambag sina Gemma Miranda sa naiskor na 24 puntos at 10 rebound, habang kumana si Ria Nabalan ng 12 puntos at tumipa ng tig-11 puntos sina Jack Animam at Je-anne Camelo.

Nagwagi ang Far Eastern University sa University of the Philippines, 56-52, sa iba pang laro sa pagtatapos ng first round elimination.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032