Walang plano si businessman Manny Pangilian na panghimasukan ang pulitika sa Philippine Olympic Committee (POC).
Kagyat na isinantabi ni Pangilinan, may-ari ng teams sa PBA at chairman ng Samahang Basketball ng Pilipinas, ang tsismis na tatakbo siya bilang pangulo ng POC na nais panatilihin sa kamay ni dating Tarlac Congressman Jose ‘Peping’ Cojuangco.
Nakatakda ang eleksiyon sa POC sa Nobyembre 25.
“Ang dami kong trabaho. Tsaka ayoko, politika ‘yan,” pahayag ni Pangilinan.
Lumutang ang pangalan ng tinaguriang MVP matapos tila pipi’t bingi at bulag sa katotohanan ang mga sports leaders na tila sangayon na lamang sa muling paghahari ni Cojuangco sa Olympic body.
Nagsimula si Cojuangco na maging POC chief noong 2004 at nitong 2012 at tumakbong ‘unopposed’ dahil walang gustong lumaban.
Nakaray din ang pangalan ni Pangilinan noong 2012, ngunit hindi rin siya nahimok dahil sa kasalukuyang kalakaran at sitwasyon sa sports.
“Some people suggested it, pero hindi naman mangyayari ‘yun,” sambit ni Pangilinan