SA event ng isang beauty product na dinaluhan ni Miss Universe 2016 Pia Wurtzbach bilang isa sa tatlong endorser nito, namataan din ang European-based Pinoy car-racer na si Marlon Stocknger. Nagkaroon tuloy ng espekulasyon na nanunuyo si Marlon kay Pia.
Nauna nang natsismis ang dalawa dahil sa isang larawan na ipinost ni Pia sa kanyang social media account na kitang-kitang sweet sila sa isa’t isa.
Sa naturang event, nakapanayam ni MJ Felipeng ABS-CBN si Marlon at tinanong ang binata kung ano na nga ang totoong namamagitan sa kanila ng ng ating Miss Universe.
“Me and Pia have known each other for a while through friends and we just happened to see each other in New York,” sagot ni Marlon. “So it was just a nice picture, a nice moment with her.”
Nag-comment si MJ na bagay silang dalawa,na ikinangiti ni Marlon.
“I guess it helps if I’m beside her so I get more good looking as well,”sey ng binata.
Tinanong din ang poging car racer kung totoong nagdi-date na silang dalawa ni Pia.
“Kind of hard to date each other when you’re also across each other from the Atlantic Ocean,” tugon nito.
Halatang maingatsa pagsagot si Marlon lalo na nang diretsohin ng tanong kung nanliligaw na ba siya kay Pia?
“Well no. Again, we’re talking, we know each other. That’s all I really want to say.”
Sa isang hiwalay na panayam, ipinaliwanag ni Pia kung bakit nandoon si Marlon sa nasabing event?
“Well why not? It’s a great event and I also have very high respects for him. He’s a true gentleman,” sey ng beauty queen.