Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng lupa ang mga rebeldeng komunista at Muslim bilang bahagi ng peace negotiations.

Alam ng Pangulo na hindi basta magbababa ng armas ang mga rebelde kung wala silang pag-uumpisahang pondo.

“Concessions would be land, which is very good. I agree with them, I can open up the whole, the entire Republic of the Philippines, all public lands ibigay ko, tutal hindi naman nagagamit, especially for food,” ayon sa Pangulo.

Bukod sa lupain, magbibigay din umano ng bilyong piso ang Pangulo sa mga rebeldeng nakikibahagi sa peace talk, pondong magagamit nila sa pagbabagong buhay.

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

Para sa Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF), ibabalik umano ng Pangulo ang kanilang dating teritoryo.

Ang administrasyon ay nakikipag-usap na rin ngayon sa communist group sa Oslo, Norway. (Genalyn D. Kabiling)