PEÑARANDA, Nueva Ecija - Nakikipaglaban ngayon sa kalawit ni Kamatayan ang isang 37-anyos na installer at bill collector ng isang cable company makaraan siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang magkaangkas sa motorsiklo sa provincial road sa Barangay Sinesajan sa bayang ito, nitong Sabado ng umaga.
Sa ulat ni Senior Insp. Damaso Feliciano, hepe ng Peñaranda Police, nakilala ang biktimang si Oliver Bote, 37, ng Bgy. Padolina.
Si Bote ay kaanak nina Peñaranda Mayor Ferdinand Bote at ni San Leonardo Mayor Froilan Nagano.
Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay sakay sa motorsiklong walang plaka, nakasuot ng bull cap, itim na jacket at puting T-shirt.
Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaril. (Light A. Nolasco)