Ikinagalak ng Malacañang ang report na walang planong iatras ng European Union (EU) at United Nations (UN) ang kanilang suporta sa Pilipinas, sa kabila ng mga banat sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“We welcome the steadfast commitment of EU and UN to the Philippines. Our partnership go beyond differences in policies,” ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar.

Kamakailan lang, nag-alok ng P9 bilyon halaga ng assistance ang EU para sa promosyon ng renewable energy.

Sinabi ni EU Ambassador to the Philippines Franz Jesse na ang EU at Pilipinas ay nagsusulong ng magkaparehong adhikain para sa climate change, sustainable energy, at poverty alleviation.

Nakabinbing courtesy resignation, wa-epek sa serbisyo ng DSWD—Sec. Gatchalian

Sa panig naman ng UN, hindi rin umano nito ihihinto ang kanilang assistance. Sinabi ng resident official ng UN na ang relasyon ng Pilipinas at UN ay nananatili sa ‘good level’. (Genalyn D. Kabiling)