Isasalang ni Manila City Mayor Joseph “Erap” Estrada sa mandatory drug test ang lahat ng opisyal ng barangay sa lungsod kasunod ng drug raid sa Quiapo na ikinamatay ng isang barangay chairman na protektor ng droga.
Nagbabala si Estrada na kakasuhan at ipatatanggal sa serbisyo ang sinumang mag-positibong gumagamit ng illegal na droga.
“Walang exempted, mula barangay chairman hanggang kagawad,” ani Estrada sa balak na drug test. “We won’t be lenient to any barangay officials that are into drugs. They have no excuses.” (Mary Ann Santiago)