Naghati sa karangalan sina UAAP standout Richard Salaño ng University of the East at Macrose Dichoso ng University of Santo Tomas sa 14th Soroptimist International of Ortigas & Environs (SIOE) – Takbo! Breast Friends 2016 kahapon sa Tiendesitas Frontera Verde grounds.

Nagtala ang Bulakenyong si Salaño ng 32 minuto at 40 segundo sa pangunguna sa centerpiece event na 10-km men division. Nakuntento sa segunda si Gilbert Laido sa 32:42 oras habang pumangatlo si Renold Villafrancia.

Nagsumite naman ang tubong Laguna na si Dichoso ng 39:04 sa pagwawagi sa women’s side habang sumunod sina Cinderella Agana-Lorenzo ng Taguig City (40:33) at Saint Michael of Laguna bet Leonalyn Raterta (42:42) para tumanggap ng premyo kay 3-in-1 race director Baby Doble.

Nagwagi rin sa 5k male sina Evilou Arotas (12:42), Wilfred Esporma (13:52) at Jeffrey Gozo (14:17) habang sa female ay sina Joida Gagnao (18:47), April Rose Diaz (19:03) at Lovely Gemeroy (21:17). Nanguna sa side event na 3k mixed sina Francis Von Morales (12:39), Cloyd Sev (14:19) at Cody Serrano (14:43).

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang bahagi nang natipon sa registration ay ilalagak sa free breast cancer, chemo (6 cycles) stages I-HIB, Tamoxifen maintenance medicines, public BC awareness campaigns, lectures, seminars, clinical BC exam & screening, BC advocate training course para sa mga Barangay health workers, palpitation sa pasyente, discounted mammograms at pag-imprenta at pamamahagi ng tarp posters para sa kaalaman hingil sa naturang karamdaman. (Angie Oredo)