MINSK, Belarus (AP) – Inatake ng isang binatilyo na may bitbit na chainsaw at palakol ang dalawang batang babae sa isang shopping center sa kabisera ng Minsk, na ikinamatay ng isa sa mga ito.

Sinabi ni police spokesman Alexander Barsukov na naaresto na ang 17- anyos na suspek mula sa Belarus ngunit wala pa itong inamin sa mga pulis.

Nakita sa surveillance video na pumasok ang binatilyo sa shopping center bitbit ang isang kaha ng gitara kung saan niya itinagi ang chain saw at palakol. Matapos atakehin ang dalawang batang babae, pinagbantaan niya ang iba pa.

Hindi pa malinaw kung paano siya napigilan.
Internasyonal

Mexican beauty influencer na binaril habang naka-live stream, biktima ng 'femicide?'