cats-ng-gretest-love-copy

NAKIISA ang Kapamilya afternoon series na The Greatest Love sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa Alzheimer’s disease sa ginanap na “Remembering Our Greatest Love: An Alzheimer’s Disease Awareness Forum” kamakailan.

Dumalo para magpakita ng suporta sa Alzheimer’s Diseases Awareness campaign ang mga bida ng serye na sina Sylvia Sanchez, Dimples Romana, Matt Evans, Arron Villaflor, Ruby Ruiz, at Alex Medina pati na ang production staff at creative team nito. Nagbahagi naman ng impormasyon ang neurologist na si Dr. Darwin Dasig, ang presidente ng Dementia Society of the Philippines (DSP) tungkol sa Alzheimer’s na makatutulong upang mas maintindihan pa ang sakit.

Inilunsad ng programa ang kampanya bago matapos ang Setyembre, na siyang Alzheimer’s Disease Awareness Month upang ibahagi na rin ang karanasan ng mga pamilyang naaapektuhan ng naturang sakit.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa seryeng The Greatest Love, unti-unting mawawala ang mga alaala ni Gloria (Sylvia) nang ma-diagnose siya ng mapaminsalang sakit na ito.

Samantala, naging emosyonal si Sylvia nang ikuwento niya ang kanyang karanasan nang makipag-usap siya sa isang Alzheimer’s patient bilang paghahanda sa pagganap sa kanyang karakter.

“Ayaw kong mangyari sa akin iyon, nakakatakot. Sana mayroon din taong ganoon ako kamahal na aalagaan ako,” sabi ng batikang aktres.

Nagbahagi rin si Boy Abunda sa pamamagitan ng isang VTR ng kanyang mga karanasan sa pagkakaroon ng isang inang may dementia. Naging emosyonal din ang mga dumalo sa forum nang magsalita ang ABS-CBN employee tungkol sa mga pagsubok na hinarap niya at ng inang may Alzheimer’s disease.

Bago natapos ang programa, nagpasalamat si Dr. Dasig sa buong produksiyon ng serye sa makatotohanang pagpapakita nito sa mga manonood ng karanasan ng mga taong may Alzheimer’s at kanilang mga pamilya.

Samantala, dumarami ang tumututok sa programa ngayong unti-unti nang nabubunyag ang mga sekreto ni Gloria mula sa nakaraan, partikular na ang pagkakaroon ni Lizelle (Andi Eigenmann) ng ibang ama. Ayon sa survey data ng Kantar Media, nakuha nito ang all-time high national TV rating nitong 16.6% laban sa Sa Piling ni Nanay (14%) noong Setyembre 29.

Huwag palampasin ang hindi malilimutang kuwento tungkol sa pambihirang pagmamahal ng ina para sa kanyang mga anak sa The Greatest Love, tuwing hapon pagkatapos ng Doble Kara sa ABS-CBN or sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).