untitled-1-copy-copy

Naitala ng University of the Philippines ang ikalawang panalo sa UAAP Season 79, ngunit, mistulan na ring nagkampeon ang Maroons.

Nadomina ng Maroons ang tempo sa kaagahan ng laro, bago nasustinahan ang tikas sa krusyal na sandali para maitarak ang 56-52 panalo laban sa Ateneo Blue Eagles nitong Sabado sa MOA Arena.

Naisalpak ni Gelo Vito, kumana ng kabuuang pitong puntos, ang three-pointer sa huling 16.4 segundo para selyuhan ang panalo ng Maroons – kauna-unahan laban sa Blue Eagles mula noong 2009.

Nanguna si Jett Manuel sa Maroons sa naiskor na 15 puntos para mahila ang karta sa 2-6. Sa kabila nito, nananatili ang UP sa ilalim ng team standings kasama ang inaalat ding University of the East and University of Sto. Tomas.

Human-Interest

#BalitaExclusives: 'Wala pa pambili ng AC!’ Aso sa Valenzuela City, tumambay sa loob ng ref

“I was telling them, most especially Jett and the other graduating players that we are not going to wait for another seven years to beat Ateneo,” pahayag ni UP coach Bo Perasol, dating coach ng Blue Eagles.

Nahila ng Maroons ang bentahe sa 51-44 sa fourth period.

Nakabawi ang Ateneo, sa pangunguna ni GBoy Babilonia para sa matikas na 6-0 run at mailapit ang iskor sa 51-50 may 1:37 ang nalalabi sa laro. Matapos ang palitan ng basket, dumating ang winning three-pointer ni Vito para putulin ang 14-0 losing skid sa Ateneo at sindihan ang mitsa para sa isang matinding selebrasyon ng Diliman-based cagers.

“I really thought if we could have close out games like we did today, I think we could have won a couple of games,” pahayag ni Perasol.

Nanguna sina Adrian Wong at Chibueze Ikeh na kumubra ng tig-10 puntos para sa Ateneo na bumagsak sa 4-4 marka.

Sa unang laro, nangibabaw ang Uiversity of the East sa kapwa kulelat na University of Santo Tomas, 71-61.

Iskor:

(Unang laro)

UE 71 — Olayon 14, Pasaol 9, Charcos 9, Palma 8, Batiller 7, Bartolome 6, Manalang 4, De Leon 4, Varilla 4, Abanto 2, Derige 2, Gagate 2, Penuela 0.

UST 61 — Vigil 21, Afoakwah 10, Faundo 10, Sheriff 5, Subido 3, Basibas 3, Lao 2, Lee 2, De Guzman 2, Huang 2, Macasaet 1, Caunan 0.

Quarterscores: 23-13; 41-27; 59-47; 71-61.

(Ikalawang laro)

UP 56 — Manuel 15, Desiderio 9, Moralde 8, Lim 8, Vito 7, Jaboneta 3, Prado 2, Dario 2, Gomez De Liano 2, Webb 0, Asilum 0, Harris 0, Romero 0.

Ateneo 52 — Wong 10, Ikeh 10, Mi. Nieto 9, Verano 9, Ravena 6, Tolentino 5, Babilonia 3, Asistio 0, Ma. Nieto 0, Mendoza 0, Porter 0.

Quarterscores: 10-11; 23-23; 41-39; 56-52.