Gaganapin ang Asian Dragonboat Championship sa Puerto Princesa City sa Palawan sa Nobyembre 11-13.

Ang kompetisyon na may dalawang kategorya, ang Asian Championships for national teams na gaganapin sa Nobyembre 11 at 12 at ang International Club Crew Championships sa Nobyembre 12 at 13.

Ayon kay national team coach Len Escollante, ang mga event na gaganapin sa unang araw na pawang may distansiyang 500 metro ay ang men’s at women’s 20- seater, men’s 10-seater at mixed juniors (15-19 taon)10-seater.

Sa ikalawang araw,para sa pagtatapos national teams competition, ang mga paglalabanang event ay may distansiyang 200 metro at gaganapin sa umaga ay ang men’s crew 20 at 10-seater, women’s crew 10-seater at mixed juniors crew 10-seater.

Alex Eala, inakyat ulit new-career high bilang rank 40 sa mundo!

Sisimulan naman ang labanan sa International Club Crew sa mga event na men’s crew 20-seater, mixed crew 20-seater, women’s crew 10-seater at mixed masters crew (40 taong gulang pataas) 100-seater.

Nakahanay sa huling araw ng kompetisyon, ang mga event sa men’s crew 20-seater, mixed crew 20-seater, men’s at women’s crew 100-seater at mixed masters crew 10-meter.

Samantala, bago matapos ang buwan ayon kay Escollante ay ihahayag ng host Philippine Dragonboat Federation ang bilang ng mga kumpirmadong kalahok at mga bansang makikiisa sa prestihiyosong torneo. (Marivic Awitan)