tiger-woods-copy-copy

NAPA, California (AP) – Opisyal na kabilang si Tiger Woods sa mga kalahok sa Safeway Open – unang torneo sa kalendaryo ng 2017 PGA Tour – sa Huwebes (Biyernes sa Manila).

Nauna nang ipinahayag ni Woods ang planong magbalik aksiyon, ngunit ngayon lamang naging opisyal ang lahat.

Huling naglaro si Woods noong Aug. 23, 2015 sa Wyndham Championship sa pagaakalang makakahabol pa sa FedEx Cup playoffs.

Mga Pagdiriwang

Kyle Jennermann at misis, nakisayaw sa Obando

Bunsod ng magkakasunod na operasyon sa kanyang likuran, hindi naging aktibo ang dating world No.1 dahilan para malaglag siya sa No.767 sa world ranking.

“Silverado is the perfect course for him because it is so straightforward,” pahayag ni tournament host Johnny Miller.

“I think he’ll love being back in California. If he can get a good first round ... just get some confidence and springboard from there,” pahayag ni Miller.

Bukod dito, plano rin ni Woods na sumabaks sa Turkish Airlines Open sa Nobyembre, gayundin sa Hero World Challenge sa unang linggo ng Disyembre.

“I’m sort of glad I’m not there that week. ... It’s going to be a bit of a circus,” pahayag ni Rory McIlroy, isa sa mga batang player na naghahabol sa trono ni Woods.

Huling nanalo sa PGA Tour ang 14-time major champion sa 2013 Bridgestone Invitational para sa ika-79 titulo, tatlong tropeo ang kakulangan sa record ni Sam Snead.