KABI-KABILA na naman ang bashing na inaabot ni Alden Richards nang lumabas ang press release mula sa 21st Asian Television Awards (ATA) sa Singapore, na iniimbitahan ang actor para maging isa sa hosts ng prestigious award for Asian television sa December 2 sa Suntec Singapore Convention Center.
Wala raw karapatang mag-host si Alden dahil mali-mali naman itong mag-English. As if naman mag-i-speech si Alden sa United Nations assembly. But in fairness nga naman kung sa iba lamang Asians, ang mga Pinoy ang may magandang diction at naiintindihan ang English natin, at mahusay namang mag-host si Alden dahil madalas na rin niya itong ginagawa sa iba niyang shows at events.
No worries din dahil may script namang susundin ang hosts ng programa.
Pero kung may namba-bash man kay Alden, mas marami naman ang nagtatanggol sa kanya. Hindi pinalampas ng AlDub Nation ang bashings at sinagot nila ito. Heto ang ilang sagot ng netizens sa bashers:
“Bashers, are u trying to question the organizer’s decision in choosing Alden? Ang tindi naman ng apog nyo!!!” “Ang problema sa kanila, naiinggit sila kasi yung like nilang artist di napansin hanggang Pilpinas lang.” “Hindi po lamang problema sa mga bashers, bangungot sa kanila na si Alden ang napili.” “They never stop. Don’t they have better things to do? They’re so overwhelmed with jealousy.” “Sorry, but their idol is not Alden... that’s why their idol has never been invited in events like this...” “Problemahin nila ay kung paano makuhang host ang idolo nila.”
Mabuti na lamang at sanay na si Alden sa pamba-bash sa kanya. Dahil kung anu-ano na rin lang naman ang ipinipintas sa kanya, smile na lamang ang isinasagot siya kapag may nababasa siya. Mas focused siya sa work niya.
Two days nag-shooting ng Enteng Kabisote 10: The Abangers si Alden sa Bohol kasama si Maine Mendoza. Pareho silang first time lamang nakapunta roon at kasama sa eksena ang pamamasyal nila sa mga scenic spots sa naturang probinsiya. Nakapag-cruise sila ng pamosong Loboc River at hindi man nila naakyat ang isa sa wonders of the world na Chocolate Hills, nakaakyat sila sa view deck na pinakamalapit doon.
Para nga raw laging fiesta ang lunch and dinner nila sa private beach resort na ginamit nila sa shooting, with their host, si Bohol Governor Edgar Chatto. Nagkaroon din ng chance na mag-relax sina Alden at Maine, kahit work-related pa rin ang stay nila roon. Ang lahat ng ito ay mapapanood sa movie na entry ng M-Zet Productions ni Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival sa December. (NORA CALDERON)